Monday, June 16, 2008

Be careful what to wish for...

...'Cause you just might get it all......and then some you don't want...

Tama nga naman. Kung hihiling tayo, h'wag yung sobra-sobra. Kaya agree ako sa kantang ito ni Chris Daughtry. Everytime I hear that song (Home), naaalala ko ang Christmas Party namin nung December, kinanta kasi ito ng isang banda na nag-perform nung gabing iyon. Hay, ang bilis naman ng panahon. Kailan lang eh panahon ng kapaskuhan, ngayon mag-papasko na naman! Hehehe...

Lalo pang bumibilis ang panahon para sa mga taong busy. Hindi ko namamalayan na lumilipas na ang panahon, at next month eh kaarawan ko na naman. And I wish to have a different birthday celebration, 'yan ay kung makakapag-celebrate nga ako sa araw na iyon.

***

Wala na naman akong ibang maikukwento ngayon maliban sa pagiging abala ko sa nakalipas na mga araw. Wala pa ring pagbabago -- ang work environment, ang mga tao, at lalung-lalo na si boss. Tumaas na ang presyo ng bilihin, ang bigas, gasolina, pamasahe, pero wala pa ring pagbabago kay boss, kuripot pa rin. Well, lalo lang siguro siyang magkukuripot ngayon dahil sa sitwasyon ng ekonomiya natin ngayon. Hehehe.. ang weird naman nun, ekonomistang-ekonomista ang dating ko.

Tama na nga ang ekonomiya, ekonomiya pa rin naman 'yan.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina sa isang meeting namin. Mataas ang tensyon sa meeting na iyon, gayung nagsagutan ang isang Manager at isang Japanese Support dahil sa miscommunication. At dahil nga kumukulo na ang dugo ng Hapon na iyon, nagawa nyang pahiyain yung isang Engineer dahil sa report nya. Kawawa naman.

Para sa akin, hindi na kailangan pa sanang umabot sa ganon. Ang lahat naman ay nadadaan sa mabuting usapan. Naniniwala pa rin ako sa ganon.

Pero dahil nga sunud-sunod ang problemang dumarating sa Production, nagkakainitan na ng ulo. Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi iinit ang ulo sa shipback ng customer na mahigit 250,000 pieces of products. At pati ang section ko ay nawindang sa papalit-palit na Template na pinagawa nila sa amin para nga sa re-inspection ng mga iyon. Kumusta naman kaya ang Cost of Poor Quality namin ngayong buwan na ito??? Well, target not achieved, that's for sure!

***

Kaya nung Sabado, nanood na lang kami ng sine ng mga friends ko. Hehehe. Incredible Hulk. Pwede na!


No comments: