Regarding sa work, exhausted talaga ako sa mga nakaraang araw. Iyong routinely work ko dati, medyo nag-iiba na ngayon. I have to work with people from other departments. I have to lead the MSA team, one of the requirements of ISO/TS Certification. I have to lead the ECC campaign, an inter-department campaign to eliminate that product defect. Pakana na naman kasi yan ni boss. Sinasabak na naman nya ako.
My office-mate and at the same time my seat-mate Deborah has already resigned. Medyo malungkot pero ganun naman talaga, come and go. Kung may aalis, may darating. At syempre, hindi naman ganun kadaling makipag-close agad sa pumalit sa kanya.
Si boss, ganun pa rin. During our JQA audit last month, napikon talaga ako sa kanya. Ninenerbyos lalo ako sa kanya kapag ino-audit ang section ko. Imbes na i-uplift nya kami, ayun nauuna pa siyang mag-alboroto kapag naiipit kami sa audit. Hindi ko mai-explain ng mabuti rito pero yun na yun. Nakakainis siya!
Si boss Japanese VP naman, kinukulit ako lagi sa passport ko. Eh sinasagot ko naman na meron na ako. Parang gusto lang nya akong kausapin lalo na kapag nasa mood siya. Moody rin kasi yun.
Anyway, last night we watched Narnia. Ok lang.
Oh, tomorrow wala akong pasok. Swap kasi sa Independence Day. Makakapagpahinga ako dahil sinisipon ako ngayon. Ganyan kasi ang panahon, extreme. Sobrang init, then sobrang lakas ng ulan.
Summer 2008 is Over! Well, at least here in the Philippines...
Morong Bataan
No comments:
Post a Comment