Yung isa kong operator, na-end of contract dahil non-compliance daw siya nung ni-require siyang magpa-medical, eh hindi niya sinunod. Ayun, nakatanggap ako ng memo mula sa kanilang Agency na terminated na nga siya. Gustuhin ko man siyang i-salba, wala na raw akong magagawa sabi ng HR namin, dahil employer na mismo ang nagteterminate sa kanya.
Kaya ngayon, inaasikaso ko yung Manpower Request namin dahil kung hindi, mate-tengga na naman kami. Nakaka-stress!
Nag-reresign naman yung isang Engineer na humahawak sa X-Ray Machine at Ion Chromatograph. Pumapel na naman yung boss ko sa mga Hapon at ako ang itinuro na pansamantalang humawak sa maiiwang posisyon habang hinihintay yung kapalit. Nahirapan daw kasi ang HR namin na mag-hire ng Chemical Engineer na hahawak sa mga iyon. As if Chemical Engineer ako, nakaka-stress!
Hindi ko magawa ang mga gusto kong improvement sa Section ko dahil nga sa padagdag na padagdag na ibinibigay sa aking responsibilidad. Kunsimisyon pa yung nangyayari sa manpower ko, kulang talaga kami. Ngayon pa na very strict na ang Management sa pag-aapprove sa mga Manpower Request namin. Nakaka-stress!
Para mabawasan ang stress, pinaunlakan namin yung imbitasyon ng officemate namin sa birthday ng kanyang anak. Last Wednesday (January 29) ay pumunta kami ni Ms. Debs sa bahay nila Dha sa Magalang. Ang layo ng biyahe, grabe. Hindi nga kami na-stress, nabugbog naman kami sa layo ng journey. Hehehe...
Sabi ko tuloy kay Ms. Debs habang nagba-biyahe, baka nasa La Union na kami (home province ni Ms. Debs).
Pagdating namin sa bahay nila Dha, nagulantang kami sa sobrang dami ng mga bata na naglalaro, naghahabulan at nagsisigawan. Sabi ko ulit kay Ms. Debs, "Nakaka-stress!" Na-stress din daw siya. Hehehe...
* * *
Buwan ng Pag-ibig na. Uso na naman ang pulang rosas sa kalye, ang mga tsokolate at pusong palamuti sa mga mall. Panahon na naman ng mga Valentine Concert and Valentine Date.... ang masasabi ko lang... Nakaka-STRESS!!!
No comments:
Post a Comment