Ako pa man din ang laging nagpapaalala sa mga gagamit ng Tester na mag-ingat dahil nga may kuryente ito. Ganyan nga talaga minsan, tayo ang nabibiktima sa sarili nating paalala. (Ang gulo!)
"Paalala" -- diyan magaling ang boss ko. Puro paalala sa mga pinag-uutos niya. Utos dito utos doon. Kapag hindi namin nagawa ang gusto nya, boljak ang abot namin! Sa totoo lang, wala naman talaga siyang naico-contribute sa lahat ng accomplishments ng aming departamento, maliban sa kanyang walang humpay na kautusan.
Kung sa bagay, magaling siya sa pagpa-plano... at sa pagpa-plano. No more, no less. Alam ko naman na mahalaga rin ang pagpa-plano, dahil ika nga sa kasabihan, Failure to plan is like planning to failure. Pero iba kasi ang kaso ng boss ko... puro siya PLANO, wala namang maisagot kung PAPAANO!
Puno na naman ng galit at hinanakit ang blog ko ngayon. Wala akong magagawa, ito ang nararamdaman ko ngayon ... at hindi planado ito.
Parang kanina, hindi namin planong kumain sa Greenwich ni Ms. Deborah, pero biglaan ang nangyari... wala lang. Pinilit ko lang i-relate sa topic ko ngayon. Hahaha!
Ginutom kasi kami sa tagal ng Closing Meeting ni Mr. Yokoyama sa kanyang Internal Audit mula kahapon. Isa na naman kasing ma-ambisyong Certification sa TS 16949 ang plano ng aming kumpanya. Matagal pa naman iyon pero ngayon palang eh kailangan nang i-apply yung Standard na iyon sa aming Sistema.
At dahil sa ilang non-conformity na call-out ng Hapon na iyon, mainit na naman ang ulo ni boss sa amin. As if hindi nya alam ang mga kakulangan ng aming departamento. Dapat nga eh siya ang mag-lead sa amin para gawan ng corrective action ang mga iyon... hindi yung feeling niya eh Vice-President na siya ng kumpanya para umasta ng ganun.
Eh kami rin naman ang gagawa ng mga corrective and preventive action, ano pang problema niya? Ah alam ko na, ayaw niya kasing mabahiran ang mabango nyang pangalan sa mga Hapon. Yun na!
(At talagang siniraan ko ang boss ko rito....)
The boss is always right, Henry!
With that, I rest my case... but now only! Ewan ko mamaya at sa mga susunod na araw.
* * *
Mga katanungan ko ngayon na nahihirapan akong hanapan ng kasagutan:
Mga katanungan ko ngayon na nahihirapan akong hanapan ng kasagutan:
Hot Air Balloon Festival ngayon sa Clark. Ano ba ang rason kung bakit may ganitong okasyon dito taun-taon?
Tumitindi na yata ang pagkainis ko sa kumpanyang ito. Senyales na ba ito na kailangan ko nang sumibat?
Bakit mahilig umepal ng isa kong operator? KSP ba siya?
Bakit hindi ko ma-gets ang meaning ng kanta ng ColdPlay entitled "The Scientist"? Pero bakit kinakanta ko lagi siya dito sa bahay?
Bakit hindi ko naalala na Fat Tuesday kahapon? (At least, naalala ko na Ash Wednesday ngayon.)
Kailan kaya ako makakapag-asawa? Kailangan ko na bang planuhin ngayon?
Bakit hindi ko ma-gets ang meaning ng kanta ng ColdPlay entitled "The Scientist"? Pero bakit kinakanta ko lagi siya dito sa bahay?
Bakit hindi ko naalala na Fat Tuesday kahapon? (At least, naalala ko na Ash Wednesday ngayon.)
Kailan kaya ako makakapag-asawa? Kailangan ko na bang planuhin ngayon?
No comments:
Post a Comment