Tuwing umaga pagkagising, tinatamad na akong bumangon, parang walang patutunguhan ang araw ko. Hindi naman sa itinuturing ko ang aking sarili na isang unproductive employee, hindi yata uy! I mean, my urge and eagerness to be more efficient and effective employee is now dwindling, sad to say.
I have conviction to myself, I must say . I believe and I know, I have so much to share and contribute in the success of wherever group or company I am assigned to work with. Kaya lang, maraming factor kung bakit madali akong maging unmotivated sa pag-iisip ng mga improvement at pag-implement nito. I don't want to elaborate them now.
***
Last Saturday, nagkaroon kami ng Fire and Evacuation Drill. Siguro nga, mahalagang malaman ng bawat employee kung ano ang kanyang unang dapat gawin kapag dumating ang sakuna lalung-lalo na kung nasa looob sila ng kumpanya. Subalit ngunit datapwat bagamat naisakatuparan namin ng maayos ang evacuation drill, ang tanong, ganun nga ba ang gagawin namin sa aktwal na sakuna? Sana nga... or sana wag na lang dumating ang sakuna.
***
Pumunta ang buong pamilya namin kahapon sa Concepcion, Tarlac kung saan nakatira ang isa kong kapatid. Dinalaw namin silang mag-asawa at yung kauna-unahan kong pamangkin, si Macoy. Two months old palang siya ngayon. Nauna pang mag-asawa at magkaanak ang nakababata kong kapatid na lalaki, nainggit tuloy ako at gusto ko na rin magkaanak! Bwahahaha... Basta career muna hangga't wala pa. Ang tanong, kumusta naman ang career kong ito? Career nga bang maituturing ito? Hehehe...
***
I want to go abroad. Kanina, buong maghapon akong nag-apply online. Pero, sa aking propesyon ngayon, puro Middle East Countries ang nagma-match na job vacancies. Ayoko kasi doon, gusto ko sa Australia, Canada, or at least Singapore man lang. Hahaha...
***
So tomorrow, gigising na naman ng maaga, tapos na ang Holiday on Monday (Araw ng Kagitingan). Makikita ko na naman ang oily-shiny face ng boss ko, ang kanyang mga utos na hindi pwedeng mabali, ang kanyang mga katwiran na nakakainis, ang kanyang mga gusto na hindi rin nya ma-eksplikang mabuti, ang kanyang rhythm sa paglalakad at ang kanyang pasulyap-sulyap sa kanyang mga kawawang subordinates na tulad ko na may suppressed grudges sa kanya. Hahaha... Iyan palang, unmotivated na ako... Paano pa kaya ang iba kong co-employee na wala na ngang laman ang utak, ang sasama pa ng pag-uugali! Tama na ito, baka kung saan pa mapunta ang usapan.
1 comment:
Hello. This post is likeable, and your blog is very interesting, congratulations :-). I will add in my blogroll =). If possible gives a last there on my blog, it is about the Vinho, I hope you enjoy. The address is http://vinho-brasil.blogspot.com. A hug.
Post a Comment