Kanina nga, nag-imbita yung isang grupo na mag-videoke at kumain kami sa labas. Sabi ko, sige game ako. Pero sa kabilang grupo naman ako sumama. Hehehe... Ang bad ko talaga!
Pati panonood ng sine, gusto nila akong isama. Kahit pilit, napanood ko tuloy yung "Desperadas". Hay naku, walang sense. Hehehe. Sabi ko na kasing "National Treasure 2" nalang ang panoorin namin. Baka, nasiyahan pa ako, though I didn't like the first sequel.
Pati "Sakal, Sakali, Saklolo", pinanood namin. Funny naman kahit papaano.
Kulang na lang, kumpletuhin ko na lahat ng entries sa MMFF. Hehehe...
Ang hirap pala talaga kung marami kang friends. Invite dito, invite doon. Pag hindi napagbigyan yung isa, tampo kaagad. Hala, lagot ako bukas sa mga in-indian ko kanina. Hehehe...
May advantage at disadvantage ang lahat ng pinaggagagawa kong ito. Una, masaya. Hehehe. Pero seriously, nakakawala nga ng stress. Ano pa bang advantage nito sa akin? Parang yun lang ah. Hehehe.
Disadvantages. Ah, marami yan. Una, puyat ako lagi dahil gabi na akong makauwi. Pangalawa, magastos. Hindi ko na kailangang i-explain pa iyon. Wala na naman akong maiipon nito. Pangatlo, hindi na magiging balanse ang takbo ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko pa ang labis na lakwatsa.
So ano ngayon ang dapat kong gawin? Alam ko naman pala na ang lahat ng bagay na sobra ay masama. Self-control, Henry!
Disadvantages. Ah, marami yan. Una, puyat ako lagi dahil gabi na akong makauwi. Pangalawa, magastos. Hindi ko na kailangang i-explain pa iyon. Wala na naman akong maiipon nito. Pangatlo, hindi na magiging balanse ang takbo ng buhay ko kung ipagpapatuloy ko pa ang labis na lakwatsa.
So ano ngayon ang dapat kong gawin? Alam ko naman pala na ang lahat ng bagay na sobra ay masama. Self-control, Henry!
* * *
Fairness. Kailan natin masasabi na "unfair" na ang sitwasyon na ating nararanasan? Para sa akin, bago tayo magreklamo na "unfair" na ang isang bagay, alamin muna natin kung saan tayo lulugar. I always believe that life is unfair, but it should not be our basis to generate hatred and grudges to others. I mean, hindi naman kasalanan ng isang tao kung mas may authority siya kaysa sayo. Ah basta, ayoko nang i-elaborate pa ito.
* * *
Language barrier ang isa sa mga isyu sa aming kumpanya. Dahil nga mga Hapon ang nagmamay-ari ng kumpanya, nagkalat ang mga Japanese Support (Expat) sa aming kumpanya. May mabait, may masungit, may mabaho, may kwela at iba pang pag-uugali na kapareho rin naman nating mga Pinoy. Yung nga lang, iba ang kultura nila, may pagkakaiba tayo ng pananaw, humor at kasungitan. Kaya nga, hirap ako ngayon hindi lang sa mga nae-encounter kong Hapon sa kumpanya, pati na rin sa mga Hapon na sa email ko lang nakakausap dahil sa Japan sila naka-base. Ang hirap intindihin ng English nila, minsan naman kami pa ang nami-misinterpret nila kaya hayan tuloy, nagkakawindang-windang ang communication.
* * *
with QA leaders
No comments:
Post a Comment