Hindi na siguro natin dapat hintayin pa kung ano ang masasabi ng mga psychic (kuno) sa ating kapalaran base lamang sa ating zodiac signs, araw ng kapanganakan, o anumang horoscope. Nasa ating mga kamay na ang kasagutan kung mamalasin o suswertihin tayo sa mga darating na panahon.
Pero teka, syento por syento nga ba talaga nating kontrolado ang bawat pangyayari sa ating buhay? Hindi rin nga siguro. Basta ang mahalaga ay sa bawat kilos at desisyon na ating gagawin ay kaakibat ang mabuti at malinis na hangarin. Yun lang naman ang dapat nating unahin para mapanindigan natin ang mga desisyon natin, anumang consequences ang haharapin natin.
Payo ko nga sa kaibigan kong si Laila, always think positive. Alam kong masipag at mabuti siyang tao, so walang dahilan para mangamba sa darating na mga araw na kanyang pakikibaka sa buhay.
Ang kamalasan at kaswertehan ay maituturing kong mga bagay na di dapat talagang seryosohin. Once kasi na sineryoso natin yan, iba't-ibang negative thoughts na ang maa-acquire natin. Una na dyan ang inggit, pati Diyos ay tatanungin natin... bakit si ganire ay laging sinuswerte, etcetera.
Kapag naman tayo ang sinuswerte, ang tendency ay all the time nating iisipin na swerte naman tayo, bakit pa tayo magsisipag, etcetera.
Tulad ko, hindi ako sinuwerte sa mga raffle draws, or I should say suswertihin palang ako sa mga susunod na raffle draws na aking sasalihan. That's the fighting spirit! Hehehe...
Ang ibig ko lang tumbukin ay upang mabawasan ang depression at insecurities sa ating katawan, iwaksi na natin sa ating isipan ang malas at swerte na siyang batayan sa araw-araw nating pamumuhay. Kung sa tingin natin ay swerte tayo, hwag pumetiks bagkus gawin itong inspirasyon upang lalong mapagbuti ang ating gawain. Kung sa tingin naman natin ay malas tayo, gawin itong motivational force para maipakita na kaya nating harapin ang anumang dagok o pagsubok na ibinibigay sa atin. Failure doesn't matter, it's all about learning how to rise up again.
Ngayong bagong taon, para hindi masira ang diskarte natin, ang una dapat nating gawin ay h'wag masyadong magpapaniwala sa mga naririnig nating kapalaran daw natin. Madalas nating marinig mula sa mga manghuhula na mananalo tayo sa lotto o sa jueteng (may jueteng pa ba?), pero ni minsan ay hindi naman nila ibinibigay ang mga numerong dapat nating tayain. Hehehe.
Madalas nating marinig na maaari tayong maaksidente sa daan kung hindi mag-iingat, eh totoo naman talaga iyon di ba? Hehehe...
May paglindol daw na magaganap, eh napatunayan naman ng mga siyentipiko na sa isang taon ay libo ang bilang ng paggalaw ng mundo sa iba't-ibang parte nito. Maniniwala lang ako kung mahuhulaan nila kung saan at kailan mangyayari ito, na kahit mga seismologist ay hindi pa matukoy ang ganun.
Ang dapat nating unahin ngayong bagong taon ay ang pagpa-plano. You know, failure to plan is like planning to failure. So we better start the year right and with a bang!
Ako, ang unang plano ko ay ang magpagupit ng buhok. Syempre, new year, new hairstyle! Hehe... Pa-patrim na lang siguro ako. Hahaha...
I uploaded the song of Christopher Cross, "Sailing". Bagay na bagay ngayon 'yan, ang ating paglalakbay sa mundo ng kawalan. Hehehe. But seriously, the message of the song is very inspiring. Enjoy!
No comments:
Post a Comment