Tuesday, January 01, 2008

Year of the Rat

Personally, hindi ako masyadong naniniwala sa mga horoscopes, predictions at kung anu-ano pang vibrations na ibinibigay ng mga sikat na manghuhula. Pero, nakakaaliw lang silang panoorin lalo na kung halatadong nang-iimbento lang sila ng mga sinasabi nila para ma-please ang mga manonood at pati na rin ang hosts ng programang kanilang dinaluhan.

Siyempre ba naman, sasabihin ba nila ang mga negative na bagay kung ang mismong host na ang magtatanong kung ano ang magiging takbo ng kanilang career o ang show mismo nila sa darating na bagong taon. Ang tanging maisasagot lamang ng manghuhula ay magiging maganda pa rin ang takbo ng kanilang career at lalong dadami ang tatangkilik sa kanila.

Yung iba naman, napaka-general at safe ang mga hula nila. Para nga naman may palusot sila kung sakaling hindi magkatotoo ang hula nila.

Magalit na sa akin sina Madam Auring, Madam Rosa, Jojo Acuin at kung sinu-sino pang nagpapaka-Nostradamus na manghuhula, pero I find them "cheap", "kalokohan" and purely entertainment lang.

My point is, kahit sino basta madaldal at malakas ang imahinasyon ay pwedeng-pwedeng manghula at magbigay ng kanya-kanyang prediction.

Naalala ko tuloy nung nasa kolehiyo pa ako, isa akong student journalist. May article ako na parang spoof ni Jojo Acuin at nagbigay ako ng mga kalokohang prediksyon. Hehe..

* * *

Unang araw ng taong 2008, at ito rin ang unang blog entry ko sa Bagong Taon na ito. Kaninang umaga, dali-dali kong kinuhanan ng litrato mula sa aking cellphone ang unang sunrise ng taon, eto sila:



No comments: