Less than 2 hours na lang at tuluyan nang magpapaalam ang taong 2007. Para sa akin, isa sa mga "the best" ang taong ito sa aking buhay. Ganun naman dapat, we have to continue thanking God for all the blessings He has given us and still giving to us. Although ang taong 2007 ay puno ng "ups and downs" sa aking buhay, marapat lamang na pasalamatan ang Poong-maykapal para sa lahat ng mga biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin. Trials should still be considered as blessings as they allow us to show our strength and faith to Him no matter what could be the outcome.
Ang taong 2007 ay maituturing ko rin na isa sa mga di-malilimutang taon ng aking buhay. Ito ang taon na lumipat ako ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. Sa ngayon, ok pa naman ako sa kumpanyang ito, kahit na may mga negative things, I just think that somewhere is worse than here. With that, I should feel luckier.
Ito rin ang taon ng pagkamatay ng aking lola. Easter Monday nung siya'y kunin na ni Lord. Malungkot ang naging summer naming magpa-pamilya.
Buwan naman ng Hunyo nung ikinasal ang younger brother ko. Hindi talaga maiwasang ikasal na sila dahil nagdadalang-tao na yung babae. Sukob na maitatawag ito (the same year na namatay ang aking lola) pero ipinapaliban muna namin ang superstitious belief na iyon.
Sa taong ding ito ay nakilala ko ang mga bagong kaibigan ko sa opisina. Masaya silang katrabaho, at anytime ay maasahan lalo na kapag nagkakaisa ang aming sentimyento --against our boss. Hehehe. Joke! (But jokes are half meant)
Kahit lumipas man ang maraming taon, regular pa rin naman kaming nagkikita ng aking mga college friends. At lubos kong ikinatutuwa iyon dahil sa aking palagay, hindi na namin magagawang madalas iyon ngayong taon dahil sa magiging mas abala na kami. Kaya nga sa lahat ng gatherings namin, present lagi ako dahil nararamdaman kong hindi na namin mauulit pa iyon. Ganon kahalaga sa akin ang bawat segundo na kasama sila.
Parang ang drama-drama ko naman ngayong Bagong Taon. Hehehe... Siya nga pala, I would like to thank all my visitors sa aking blog. Naging active ako ngayong taon dito sa blogspot... after kong iwanan ang blog ko sa Globe (G-blog)... Maraming salamat sa mga bumibisita at nakakataba ng puso na makitang may "hits" ako every day kahit na kaunti kayo (unlike sa g-blog ko noon)... Minsan, naiisip ko, mabuti na ang ganito, walang masyadong visitors, walang pressure na mag-compose ako ng entry na madalas.
Basta, magsasama-sama pa rin tayo sa darating na taon. Blogging is indeed become part of my routine already. Nakakabawas stress kasi, lalo na ako na very introvert. Hehehe... Akmang-akma!
On the lighter side, kagabi ay nagkita-kita kami nina Elmer at August... nag-Boom na Boom kami sa Clark! Hehehe... Enjoy naman, biro nga ni August, ang sarap balikan ng ganitong klaseng peryahan lalo na kung naging sosyal ka na. Hehehe...
Swerte ni Elmer sa mga tayaan like yung ihuhulog na tatlong bola sa mga malaking baraha at kung yung tatlong bola na iyon ay lumapag sa baraha na itinaya mo... triple ang panalo mo! Hahaha...
Nag-invite naman si August na sumakay sa Super Loops, ayaw namin... takot kami! Hehehe...
Lumipat na lang kami sa Magic Hill para sumakay daw ng Viking, paanyaya naman ni Elmer...
Then habang naglalakad, ang ganda ng view na nakita namin... fireworks sa SM Clark... bongga in fairness...
Sumakay kami ng Viking, akala namin, chicken lang. Katakot din pala.
Muntik ko nang isuka yung kinain namin sa Sbarro... grabe.
Umuwi kaming hilo at masakit ang ulo... Hehehe...
Sana naman sa taong 2008 ay mabawas-bawasan ang sakit ng ulo ko sa anumang bagay... kaya siguro tinodo ko na sa Viking na iyan... Hehehe...
Happy New Year, Everyone!
Sabay-sabay tayong kumanta ng Auld Lang Syne (Scottish phrase daw ito na ibig sabihin ay "Old Long Since")... o di ba, trivia person pa rin ako (hang-over ko sa G-blog... hehehe)
No comments:
Post a Comment