Monday, December 24, 2007

Not so Merry Christmas

Last day ko kahapon sa trabaho before Christmas vacation. Yung leader ko, nauna nang nagbakasyon two days ago pa. Hanep. Nakakainit ng ulo. Kahapon ko pa naman inaasahan na magiging kumpleto kami para maibigay ko ng sabay-sabay sa kanila ang gift ko. Gayunpaman, ibinigay ko pa rin sa dalawang operator ko ang gift ko sa kanila. Ngayon, pinapasok ko sila dahil may pasok din ang Production Department, baka kasi di kami makapag-collect ng mga samples para sa aming Reliability Testing.

Pinagbibigayan ko pa ngayon ang mga pagkukulang na ginagawa nila sa aming section, lalo na ang absentism nila. Tutal, holiday season ngayon. But come 2008, makikita nila ang bangis ko. Lagpas two days per month na absent nila, may karampatang penalty na.

Kinausap ko kahapon ang 2 operator ko, tinanong ko kung bakit natetengga ang mga activities namin. Sumagot yung isa, "Sir kasi kulang tayo sa manpower." Sabi naman nung isa, "Sir kasi yung mga functional jigs natin, kulang at ang hirap humiram sa production lalo na kapag urgent ang shipment nila."

Sabi ko naman sa kanila, may nakakalimutan silang banggitin, at iyon ay ang madalas at halinhinang absence nila. Dagdag ko pa, paano natin mapapatunayan sa Management na kulang nga tayo sa manpower kung wala tayong concrete basis at evaluation regarding sa work natin sa ating section. Hindi kako natin maisasagawa ang evaluation ng ating section kung mataas ang absentism rate natin per month. At kung madalas ang absence nila, pagpasok nila, wala silang ibang gagawin kung hindi yung mga naiwang trabaho na supposedly natapos na kung pumasok lang sila. Wala nang oras para sa ibang improvement na pwede naming gawin.

Mahirap talagang mag-handle ng tao sa totoo lang, may leader nga ako, pasaway din naman sa attendance niya. Bagong promote pa man din siya na ako rin ang nag-evaluate at nag-recommend sa kanya few months ago. Akala ko kasi magbabago siya at magiging responsable kung itinaas ko siya. Frankly, hindi ko pa nararamdaman na leader nga siya ng mga subordinates ko.

Siguro, kailangan niyang matapik isang araw. At iyon talaga ang balak kong gawin.


***

Kahapon, ako ang pinag-minutes of the meeting ni Sir Wency para sa kanilang "Lot-out/Leakage Meeting"... pambihira paano ko magagawa iyon kung naging iyakan at sagutan ang meeting na iyon. Masalimuot ang kinalabasan ng meeting na iyon. Magpa-Pasko pa naman. Nag-adjourn ang meeting ng may kimkim ng sama ng loob ang ilan sa kanila.

***

Ngayong panahon ng kapaskuhan, nagkalat ang mga Sale sa mall... pero parang hindi naman totoo.

***

Sa December 28 pa ang company Christmas Party namin... sana ginawa nalang nila sa February.

***

Na-issue-han kami ng NCR (Non-conformity report) ng Patrol kahapon dahil sa expired Calibration ng isang machine. Our very first NCR. Ipa-laminate ko nga.

***

Noche Buena na bukas. Anong handa nyo?



No comments: