Tama nga siguro. Nasa tao lang yan kung anong gugustuhin mong mood.
Speaking of "mood"... "wala sa mood" ang tangi daw maipupuna ng sub-leader ko sa akin. Totoo nga naman iyon. I am not a morning person and I admit that people around me during morning hours seem to having difficulty in talking or dealing with me. Minsan, wala talaga ako sa mood lalo na sa umaga. Ewan, baka mali nga ang eksena kong iyon. Humingi naman ako ng pasensya sa sub-leader ko nung magkausap kami one-on-one tungkol sa mga di pagkakaunawaan namin-- ng aming grupo.
Minsan daw kasi, naiilang silang lapitan ako dahil hindi ako makausap ng matino, as in nang-iisnab daw ako. Again, I admit that. Sabi ko na lang sa kanya, basta I will try to change that "bad side" of me. And I was very sincere when I uttered those words to him.
Ang sa akin naman, sinabi ko sa kanya na ang pinaka-ayaw ko talaga eh yung hindi nila pagpapaalam minsan kung a-absent sila. It may be "mababaw" pero para sa akin kasi eh indication yun na hindi na ako nabibigyan ng konting respeto as their leader. Not that I am too harsh about their absentism, but for me, as long as their absence has valid reason and they informed me prior to that, it's ok for me, really. Ayaw ko lang kasing nate-tengga yung mga activities namin.
Eventually, nagkaayos naman kami and I am happy for that. Feeling ko ngayon, mas lalo naming nakilala ang isa't-isa, and I think it's an advantage para lalo naming mapagbuti ang aming working relationship.
* * *
The week that was. Matapos ang paglindol, ginulantang naman tayo ng balita tungkol sa "Manila Peninsula Siege". Thursday ng tanghali eh nag-email sa akin yung college friend ko na nagtatrabaho sa katapat na building ng Manila Pen, ayun breaking news ang eksena nya. Hehehe. With matching pictures pa na kinuhanan nya. That time, kalmado pa ang sitwasyon, pero pinapalabas na raw sila ng kanilang opisina at pinapauwi na. So, di nya na naibalita sa amin yung eksenang may tear gas. Hehehe.
Paglabas ko ng opisina, in-invite ako ng mga officemate ko sa kanilang boarding house, birthday kasi nung isa. Hayun, nag-dinner kami sa kanila habang pinapanood ang balita tungkol sa eksenang iyan ni Trillanes. Then may breaking news na may curfew na ipatutupad sa gabing iyon. Buti nalang at maaga akong umuwi. Hehehe...

Kahapon, nanood kami ng sine sa SM Clark, pinanood namin yung Enchanted. Hehehe.. Yun kasi ang gusto ng mga kasama ko... ayoko naman silang kontrahin. No regrets naman, feel-good ang movie, para maiba naman. Ang dami tao kahapon sa SM, dahil may event. Unveiling of Giant Santa Claus ang eksena. Umeksena rin ang gobernador ng Pampanga na si Father Ed Panlilio, hayun siya yata ang nagpasinaya sa event na iyon. Nung nakita ko si Santa Claus, nasambit ko kina Elmer and Berns na parang "idolatry" ang nangyayari. Tila may eksenang sinsamba na ang malaking imahe ni Santa. Hehehe... Sabi naman ni Elmer, nawawala daw ang essence ng Paskong Pinoy, napaka-western daw ng event. Hehehe... Wala lang, gusto lang naming kumontra at umeksena. Hehehe...

Ito ngayon ang ayaw na ayaw kong eksena... ang magka-sipon! Pambihira, tinamaan din ako. Sobra kasing lamig ngayon eh...
No comments:
Post a Comment