Thursday, December 13, 2007

Ang mahal ng TAKURE!

Napagod ako sa kakalakad kanina sa mga bangketa... Pambihira, sa mall din pala ako makakabili ng takure. Whistling kettle kasi ang "wish" na inilagay ng nabunot ko sa exchange gift namin. Eh P200 lang ang pinag-usapang halaga ng aming exchange gift, wala akong mahanap na takure na sumisipol sa halagang P200. Ang mamahal ng may "sipol"... Hindi naman ako martir para bilhin ang worth P500 na whistling kettle, so yung walang sipol na lang ang nabili ko worth P259. Hindi na yata uso ang martir ngayon, and besides abonado na ako ng singkwenta'y nuebe pesos sa takureng iyan, idagdag pa yung presyo nung gift wrapper. Hehehe...

* * *
Ok na sana ang araw ko ngayon, pero bandang hapon eh may sumira na naman ng mood ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Basta ang nararamdaman ko ngayon, parang iniisahan na ako. Sobra na nga siguro ang pagiging considerate ko sa mga subordinates ko. Nagiging masyadong maluwag na nga siguro ako sa kanila kaya pati respeto ay nakakalimutan na nila. Maswerte siya at busy ako kanina at itinuon ko na lang sa trabaho ang aking atensyon kaysa uminit ng todo-todo ang ulo ko. I know I should do something about it, but honestly, I really don't know how. I admit, mahina ako sa pag-hahandle ng tao, and madali kong kalimutan ang mga violations na ginagawa nila. And that is because ayokong tuluyang masira ang aming working relationship. Kausapin sila? Siguro nga, yun ang solusyon. Pero umiiral na naman kasi ang pagka-idealistic ko at hindi mawala-wala ang paniniwala ko sa "self-evaluation" and "reverse psychology". That is, hindi natin kailangang pagsabihan pa para malaman ang tama at mali; ...na kapag ang mga taong nasa paligid natin ay naaapektuhan sa mga maling kilos at ugali natin, tayo na mismo ang dapat magkusang ayusin ang anumang mali sa atin; ...na alam natin sa ating mga konsensya na nag-violate tayo o nag-agrabyado ng kapwa natin so maiintindihan na dapat natin kung bakit may sama ng loob sa atin ang mga taong iyon... kaya responsibilidad dapat natin na baguhin ang mga kakulangan natin at gumawa ng paraan para manumbalik ang tiwala at kumpyansa nila sa atin.
Ayoko ng ganitong pakiramdam... hindi ko alam kung paano ako makikisalamuha sa taong alam kong may ginagawang pagsuway sa akin. Tomorrow, baka wala na naman ako sa mood. Pero siguro, pipilitin kong hindi na iyon ang ipapakita kong epekto ng kanilang pagiging pasaway sa akin. Magiging mapag-utos na lang muna ako at mag-iisip ako ng mga bagay na dapat nilang gawin nang mabawas-bawasan ang mga petiks nila. Kumbaga, hard time na ito. Demanding deadline ang maririnig nila bukas at sa mga susunod na mga araw. I just realized na tama ang boss ko kanina nung sinambit nya sa akin ang... "may subordinates ka, ipagawa mo na sa kanila iyan..."
Pasensyahan na lang.

No comments: