Monday, December 31, 2007

New Year's Resolution ko...

Anytime, pwede tayong magbago, pwede nating i-tama ang sa tingin nati'y maling pag-uugali natin. Sa panahon ngayon, usong-uso ang ganitong klaseng pagninilay-nilay at pagkilatis sa mga nagawa at ikinilos natin sa buong taon.

Bakit nga ba tuwing Bagong Taon lang natin naiisip ang ganito? Bukod sa nakiki-"in" tayo, sa panahong ito kasi natin nadarama ang simbolo ng pagtatapos at pagbubukas ng panibagong kabanata na naman ng ating buhay na haharapin.

Gayunpaman, magkakaiba man tayo ng opinyon tungkol sa mga New Year's Resolution at kung anu-ano pang ka-dramahan sa panahong ito, ang mahalaga ay bukas tayo sa anumang pagbabago na sa tingin natin at sa tingin ng mga taong nakapaligid sa atin ---ay makakabuti sa ating lahat.

Kaya, makiki-"in" na rin ako... eto ang mga naiisip kong dapat gawin ko na ngayong magbubukas na ang taong 2008:


1] Mag-ipon. Taun-taon na lang yata ay isinasambit ko ang mga salitang ito. Sa totoo lang, ang hirap palang gawin nito, lalo na kung wala naman talaga akong maiipon sa kaliitan ng sahod ko. Hayan na naman ako, napaka-negative, kaya siguro hindi talaga ako nakakaipon. Kahapon nga, ka-chat ko si Lea, yung blog friend ko na Nurse sa isang hospital sa San Juan, nag-file na siya ng resignation after 2 years na experience nya doon, sa January ang last day nya. Biro ko sa kanya na malaki siguro ang makukuha nyang Separation Pay. Kaagad naman siyang sumagot na "kakarampot na backpay lang ang makukuha ko." Sagot ko naman sa kanya na ang salitang "kakarampot" ay napaka-subjective, P100,000 may be "kakarampot" to you. Hehehe... Sabi lang nya, literally na kakarampot talaga ang makukuha nya, in that answer, wala pa rin akong idea kung gaano kakarampot iyon. Hehehe. But my point is, kung gusto nating makapag-ipon, maraming paraan, kung ayaw maraming dahilan.

Iyan din ang isang Resolution ng officemate ko na si Deborah, mag-iipon na raw talaga siya. Advice ko naman sa kanya, imagine-in na lang nya na wala siyang pera para mabawas-bawasan ang kanyang paggastos sa mga hindi naman masyadong kailangan. Nakuha ko pang magbigay ng advice gayung ako rin naman ay impulsive buyer minsan... hehehehe.

2] Maging punctual sa pagpasok sa trabaho. Although sa totoo lang, wala pa naman akong late o tardiness sa trabaho, napapansin ko kasi na recently, nagiging late na ang paggising ko sa umaga. Then bumabagal na rin ang kilos ko na siyang nagiging dahilan para muntikan na akong sumablay sa swiping machine. Kung dati ay nakakapag-"in" ako ng 7:40, lately ay 7:52 na ang average 'in" ko. Eh may morning exercise pa naman kami ng 7:55 na dapat ay nasa loob na ng opisina kami.

3] Mas istrikto at mas aggressive (or at least assertive) sa trabaho. Masyado kasing malambot ang puso ko sa mga tao ko. Minsan, nagiging pasaway na sila pero pinagbibigyan ko pa rin. Sa 2008, hindi na pwede ang ganire. Trabaho lang, walang personalan.

4] Matulog ng maaga. Di nga? Hehehe.

5] Magpataba. Waaahhhh!!!!

6] H'wag masyadong maging emotional. Ito ang isa rin sa gusto kong baguhin sa sarili ko. At magagawa ko siguro yan kung hindi ko iniipon ang sama ng loob ko. I mean, para makontrol ko ang saloobin ko, ilabas ko na kaagad kung ano man ang saloobin ko sa mga bagay-bagay lalo na sa tuwing may confrontation or something.

7] Don't be too judgmental. Masama 'yan... hehehe... Pero ok lang na mang-okray paminsan-minsan. Hahaha.


8] Always smile. Minsan kasi, nami-misinterpret nila ako. Suplado raw ako. Ewan ko kung nagsasabi sila ng totoo. Hehehe.


9] H'wag munang mag-resign sa trabaho. Magtiis muna hanggang sa susunod na Pasko para mabuo ang 13th month pay. Hehehe...


10] ...and lastly, sundin ang mga Resolution na ito dahil taun-taon na lang pumapalya ako.

No comments: