Una, hindi masigla ang gabi ko, ang sakit kasi ng lalamunan ko. May sore throat ako. Pero siguro, hindi ko naman mapipigilan na ang lahat ay magiging masaya ngayong gabi...
Wala akong ate na magluluto ng manok na tinola...
May kuya nga ako pero wala pa naman siyang sariling bahay... at lalung-lalo na hindi siya magpapa-litson...
Hindi naman ako nakakasiguro na ang bawat tahanan ay may handang iba't-iba...
Sino ang giliw na iimbitahin ko upang magsalu-salo?...
May keso nga kami pero as of now, walang tinapay na binili...
Ah eto lang ang sigurado... Noche Buena na sa gabing ito at bukas ay araw ng Pasko...
***
Halos lahat ay nabati ko na sa text ng "Merry Christmas"... buti na lang at nagamit ko ang SULITXT na ina-activate ko kagabi... as expected kasi, hindi ko na maa-activate ulit yan ngayon na bisperas ng Pasko, alam na alam ko na ang yearly business strategy ng Globe...
Pasko na pero hindi ko pa alam kung ano ang Christmas Wish ko... Kahit ang kanta ni Mariah Carey na "All I Want for Christmas is You" ay hindi todo ang pagka-relate ko. Wala kasi akong hahandugan ng kantang iyan. But I really like the lyrics, just don't know yet to whom will I pertain the "YOU" in the lyrics.

Sa lahat ng mga countdown, ito ang pinaka-ayaw kong marinig... ang countdown sa pagbabalik-trabaho! Pambihira, December 26 may pasok na!
No comments:
Post a Comment