Saturday, December 29, 2007

Sad New Year (?)

Natapos rin sa wakas ang napaka-agang Christmas Party ng aming company kagabi. Wala lang, wala akong nahita sa mga raffle prizes. Mahigit 100 prizes ang nakalaan para sa mga empleyado, ni-takip ng rice cooker o kahit plug ng plantsa, wala akong naiuwi.

Pero hindi naman ako masyadong malungkot sa kinalabasan, expected ko na kasi iyon. Hindi rin ako masyadong umasa na mananalo ang aming departamento para sa dance presentation dahil hindi naman kasi namin masyadong pinaghandaan iyon. Gahol na kasi kami sa oras sa sobrang busy sa work, and then kaunti lang ang mga member ng QA sa buong kumpanya. Ibinibigay na namin sa ibang departamento ang trophy. Hehehe...

Past 11 o'clock na ng gabi natapos ang Party na ginanap sa Challenger's Field sa Clark. Ok naman ang fireworks display, pwede na. Hehehe.. And then wala kaming ibang inatupag kundi ang magpicture-an ng aming mg bosses and co-workers.


Then nag-invite yung mga kasama ko na lumabas after that. Nag-suggest ako na sa Horse Wheel na lang kami uminon.. so sumama naman sila. Nung papunta na kami at nakasakay na ng jeep, sa driver na lang namin nalaman na wala na pala ang nasabing bar. Sarado na. Hehehe..

So bumalik na lang kami sa Balibago at tumuloy sa Diamond Area. Sa Whyt-Haus na lang kami nag-inuman at videoke hanggang 3:30 AM. After that, tumuloy kami sa bahay ni Deborah para mag-noodles. Hehehe...

Basta ako, umidlip ako ng kaunti habang sila ay nanonood ng DVD. Hilo na kasi ako.

Nagising ako ng 7:00 AM at narinig ko na pinagtatawanan yata ako ng mga kasama ko. Kinuhanan kasi nila ako ng picture sa cellphone habang naka-knock-out. Hehehe... Mga hinayupak. Hehehe


Mag-aalas-nuebe na ng umaga kanina ng nakauwi ako sa bahay. Pagdating ko, masamang balita agad ang tumambad sa akin. Nanganak na yung pinsan ko at critical ang baby niya. Wala mang 2 pounds ang timbang ng anak nya. Kasalukuyang nasa incubator siya ngayon at ipinagdarasal ko na sana ay mabuhay yung bata. Cute na baby girl pa man din ang anak nya. Hay... magiging malungkot yata ang bagong taon namin...

No comments: