Maganda nga naman. Hehehe. Sabi nga nung isa kong kasama, parang pinaghalong Apocalypto, Jurassic Park, The Ten Commandments, and... Shake Rattle and Roll! Hahaha... na may kaunting Feng Sui, Engkanto, at Panday! Hehehe...
***
The other day, pinanood ko rin ang "No Country for Old Men"... this year's Best Picture for Academy Awards. Honestly, hindi ako naka-relate sa movie, masyadong brutal at madugo! Hehehe. Well anyway, 'yan naman ang taste ng Oscars... mga brutal at malalalim na movie... Malalim as in Deep. Hehehe... yung hindi ko na mahukay sa sobrang lalim...
***
Last Tuesday, I went to Laguna for a seminar. Sa Laguna Techno Park ang venue. The seminar was ok, yun nga lang, masyado na kaming ginabi sa pag-uwi dahil sa sobrang trapik sa C5. Buti pa yung driver namin, considered OT na iyon, samantalang kami, hindi. Hehehe...
***
Halos mabaliw na ako sa ginagawa kong document procedure na ang deadline ay sa March 19. Actually, kaya ko namang tapusin iyon kung iyon lang talaga ang gagawin ko sa buong maghapon. Eh kaso, kung anu-ano ang pinapagawa ng mga boss ko, parang nakakaloko na sila ah... Eh alam naman nilang pare-pareho lang kaming nag-seminar tungkol sa Measurement Systems Analysis at pare-pareho rin naming alam na napakahirap intindihin at i-interpret ang data lalo na kung Statistical Process ang approach. Loko sila, pag natapos ko naman itong procedure eh ang credit naman ay sa kanila. Siyempre, bida na naman si boss sa top management. Ganyan nga siguro talaga ang buhay manggagawa... kailangang i-please ang mga boss dahil sa kanila nakasalalay ang 'yong career.
***
So sa susunod na tatlong araw, kailangan kong mag-OT sigurado. Eto na siguro ang magiging penitensya ko ngayong Holy Week.
No comments:
Post a Comment