Monday, March 10, 2008

Commitment...

So, binigyan kami ng maraming "commitment" ng boss namin sa aming paghahanda sa TS 16949 Certification. Iyong sa akin, anything related sa Measurement Systems Analysis. Pinapagawan ako ng written Procedure about it na ang deadline (deadliest?!) ay sa March 19... Good luck na lang sa akin.

Kanina, tinawag ako ng boss ko... "Henry, kailan kasi yung commitment mo dun sa MSA Procedure?"... Hahaha... Parang hindi nya alam na siya ang nag-set ng deadline sa akin na i-release ang Procedure na iyon sa ISO Section sa March 19. Babalik daw kasi yung Consultant namin sa katapusan para i-review ang mga documents na hinahabol namin for 1 year implementation starting next month. Si boss talaga, kung maglambing, ibang klase. Hehehe...

On the other hand, isa rin ako sa mga coordinator ng EHS sa aming departamento. In as much as I would like to set a meeting for our preparation for the upcoming internal audit, eh hindi ko magawa-gawa dahil nga sabay-sabay ang mga kautusan ng mahal na kaharian. Cramming na naman ito.

***
Nung Sabado, hindi ko nagawang mag-leave of absence sa work to attend the wedding ceremony of two of my college friends-- Berns and Marjon Nuptial. Humabol na lang ako... sa reception. Hehehe... I was really sorry for the two of them kasi nga sinabi ko na noon pa na magli-leave ako sa work ng March 8. Pero, hindi ko talaga nagawa dahil nga sa training namin sa Measurement Systems, eh ako nga kasi yung core leader doon. Dyahe naman kasi kung ako mismo ay absent sa seminar na iyon.
Ok naman at nakahabol din ako sa picture-picture-an. Hehehe... I really wish all the best for the two of them at sana maraming babies ang dumating sa buhay nila! :-)
***
Tomorrow, pupunta ako ng Laguna for a training tungkol naman sa RoHS at sa X-Ray Machine. Actually, sinama lang ako ng boss namin sa isang Engineer na humahawak talaga ng section na iyon (Ion Chroma, RoHS and X-Ray)... Ewan ko kay boss, masyado siyang bilib sa akin. Hahaha...
***
Mga katanungang hindi maalis-alis sa isipan ko ngayon:
*Bilib nga ba talaga ang boss ko sa akin o hard time ito?
*Inis kaya sa akin ang mga subordinates ko dahil sa mga utos ko sa kanila?
*Mapag-utos ba talaga ako?
*Bakit kung sinu-sino na lang ang nili-link sa akin? HIndi naman ako celebrity? Hahaha...
*Feeling kaya nila eh "Feeling gwapo" ako dahil sa "no reaction" ako sa mga biro nilang pang-tweetums? Hehehe.
*Bakit kapag nasa public place ako like canteen, hall-way, etc.,,, kung makatitig ang mga ibang empleyado sa akin eh parang "bagong empleyado" ako dun samantalang lagpas isang taon na ako doon?
*Baka feeling ko lang na crush nila ako? Hahaha.
*Sinu-sino kaya ang mga regular visitor ko dito sa blog ko? Meron nga ba? Hehehe.

No comments: