Wednesday, March 19, 2008

Nakakapagod na Miyerkules-Santo...

Halos ginugol ko ang buong maghapon sa harap ng computer ko sa opisina para pasadahan at ayusin pa ng kaunti ang document procedure na assignment ko. Nakakapagod din pala ang ganun, kahit na nakaupo ka lang, mentally naman eh exhausted na exhausted ang pakiramdam ko. Muntik pa yata akong magka-stiffed neck dahil sa sobrang tutok ko sa monitor.

Dagdagan pa ng mga nakakalitong Statistics Formula, Terms at ang mga interpretation ng Graphs... ang sakit sa ulo!

Kahapon ko pa pina-review sa boss ko yung draft ng procedure na ginawa ko. So expect ko na may maisa-suggest pa siya para mapaganda pa lalo yung procedure. Guess what? Eto ang madamdaming komento nya pagkatapos nya kuno i-review ang ginawa ko... "Henry, ok na... ipa-route mo na sa mga concern person...." Hala, ang laking tulong ng suhestyon nya... hindi ko kaagad naisip yun ah! Hehehe...

Gayunpaman, ako na nga lang ang nag-review ng paulit-ulit sa ginawa ko para maiwasan na rin ang mga conflicts at vague statements sa procedure. Then, kailangan ko pang i-revise yung mga document na naka-link sa procedure na ginagawa ko. Isa pang sakit sa ulo!

Isa na dyan yung Gauge Repeatability and Reproducibility Procedure na ginawa ko last June 2007 for Motorola Audit. In the past years kasi, hindi stand-alone ang procedure na ito sa aming kumpanya, part lang siya ng Calibration Procedure. So before the Motorola Audit, pina-rush ba naman sa akin yung procedure na iyon... thank God, nakalusot sa mga auditor! Hehehe...

Ngayon, dahil nga bago ang mga Procedure na ipinapa-handle sa akin, kailangan talagang paigtingin ang implementation ng mga iyon. Sabi ng boss ko sa akin, dapat palakasin daw namin ang Measurement Systems Analysis sa aming kumpanya lalo na't target ng kumpanya ang TS 16949 Certification next year, automotive parts kasi ang ilan sa mga produkto ng kumpanya at nire-require ng ilang customers na magpa-certify kami doon.

Kanina, dumating na yung bago kong technician. So nadagdgan na ang mga members ng section ko. Aba, seryoso talaga si boss at kinarir nya yung sinabi nya na palalakasin namin ang bagong sistema na ipapatupad sa kumpanya! Hehe... Buti naman at naisip nya na dagdagan kami.

Pero pressure on my part iyon. Kailangan ko kasing planuhing mabuti ang mga job designation ng mga anak ko (anak ang term na ginagamit doon para sa mga subordinates). Kailangan walang petiks para wala ring masabi ang boss ko at ang ilang section sa Departamento namin. Marami kasing section sa department namin na pinamumunuan ng Engineer. Eh ang nakagawian kasi doon eh yung maghambingan ng mga gawain-- kung sinong maraming ginagawa, productive, petiks, busy at mga nagbi-busy-busy-han.

***

Mahaba ang bakasyon ko ngayon... pero sa bahay lang ako. Matutulog na lang siguro ako, pero siyempre with matching self-reflection and prayers. :-)

No comments: