Sunday, March 02, 2008

Looking forward for Summer 2008

Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang, nagco-compose ako ng mga pang-Christmas at New Year na blog entries, ngayon buwan ng Marso na.

Nagdaan na ang Valentine's Day... parang wala lang. Wala naman talaga. I mean, just like the past years, February 14 is just like an ordinary day for me. Not that I am KJ or something, I find it sensationalized lang masyado. Tama na para sa akin na maging OA tayo tuwing Holiday Season.

Now, Summer (in the Philippines) is fast approaching, or should I say, nag-start na nga. Parang excited ako this summer. Hehehe... Last year kasi, isa na yata sa pinakamalungkot na summer ko ang nangyari, hindi ako nakasama sa company outing namin, at walang natuloy na summer reunion sa mga barkada ko. This time, parang ang dami kong dapat abangan na trip at outing.

Sana nga at matuloy ang mga plano namin-- with my friends of all walks of life.. Hehehe.. Yung mga kaibigan ko sa company, college friends, high school friends at mga feeling friends ko. Hehehe. Joke! Wala naman siguro akong "feeling" friends, lahat sila'y pinakikisamahan ko ng mabuti. :-)

Last night, we had a small gatherings ng mga college friends ko-- sina Glenn, Elmer, Dhez, Berns and Joan. Nag-treat kasi si Glenn for his birthday. Then pinag-usapan na rin namin ang kasal ni Berns at Marjon next week, March 8, 2008. Hindi ako napiling abay kasi bunutan daw ang ginawa nila Berns. Hehehe... Ang napili sa aming magbabarkada ay sina Elmer at Dhez. Buti na lang. Hahaha.

So, sa ika-walo ng Marso, leave ako sa work, by hooked or by crooked. Balak ko sanang gawing Sick Leave. Hahaha... Baka kasi kapag Vacation Leave (to be filed 3 days before) eh hindi ako payagan.. so Sick Leave na lang... :) Pero kung nakikini-kinita ko na wala naman masyadong gagawin sa March 8, Vacation Leave na lang.. ah ewan... Sick Leave na lang, period!


Then after our Japanese feast last night, nag-coffee kami sa isa sa mga shop sa Balibago. We talked about our gifts para sa mga ikakasal... sa harap mismo ni Berns. Hehehe... Pinapauna na namin na puro appliances ang maaari naming ibigay, pwedeng thermos, electric fan, plantsa at pa-kabayo. Hahaha. Sabi ko kay Berns, h'wag lang nyang gagamiting props ang mga regalo namin sa kanyang wedding video habang nagbubukas ng mga gifts....



But seriously, hindi ko pa talaga alam kung ano ang ibibigay ko. Cash? Parang dyahe naman iyon. I have still a week to decide what to give... Help nyo ako!

No comments: