Last Saturday, February 16, I attended a mini-reunion with my former classmates during High School. Batch 1999 kami section 4-Amiability sa Holy Angel University. Ang sarap talaga ng feeling na balikan at sariwain ang mga panahon na kami'y musmos pa lamang. Hehehe...
One of our classmates kasi na si Jed eh umuwi for a short visit from California. So yun, naging medium namin ang friendster account namin para ma-organize somehow ang mini-reunion na ito. By the way, here is our friendster page, click this: Amiables Friendster
I really missed this classmates of mine. At syempre di ko rin makakalimutan ang Baguio Trip namin nung summer of 1999. Three days kami doon kasama ang aming teacher-adviser na si Ma'am Lingat. Naalala ko pa ang moment na iyon kung saan after that trip, may kanya-kanya na kaming buhay na tatahakin. May mag-aaral sa Manila, may mag-aabroad at kahit yung iba na hindi lalayo sa aming lugar, hindi na din ganun kadalas ang aming pagkikita.
Huling gabi namin sa Baguio noon, I remember, I gave a rose to each classmate na babae. Nakaka-touch yung moment na iyon dahil hindi nila akalain na yung binili kong bulto ng rosas eh para pala sa kanila.
Marami rin akong memorable experiences sa batch na ito, napakanta nila ako sa isang classroom presentation noon. Bagong uso noon ang kanta ng Parokya ni Edgar na "Harana" at iyon ang kinanta ko, with guitarist Marcelo. Natuwa naman sila sa kanta ko. Hehehe.
Ito rin ang time na marami kaming funny moments sa loob ng classroom, lalo na ang pagkanta ni Edwin (aka "Mariah), ang mga pakulo ng aming mga classmates na very talented, group presentations, kopyahan sa exam (hehehe) at ang mga nakakakabang recitation.
Tinawag din na International Section ang 4-Amiability noon dahil sa tatlo sa mga classmates eh galing ng ibang bansa: si Francis from Brunei, si Rheg from Germany, at si Jed from US.
Naging makulay ang buhay ko that time, maraming friendships ang nabuo at natuto akong makisama sa iba't-ibang klase ng tao.
It has been nine years, bago kami ulit nagkasama-sama. Though hindi kami nakumpleto (that's why "mini-reunion"), preparation lang ito ng isang big event next year for our 10th anniversary. Jed suggested na isabay na rin sa kanilang wedding celebration ng kanyang asawa next year dito sa Pilipinas. But prior to that, yung mga nandito sa Pilipinas ay may plano na magkita-kita kami ulit this summer 2008 for an outing, since nagbigayan na kami ng aming mga contact numbers. Masaya na naman ito.
Isa ito sa nagpapasaya sa aking malungkot na buhay ngayon. Honestly, nasa Critical Stage na naman ako ng aking career (career nga ba?) sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Kahapon, we had a Cross-Cultural training sa isang resto dito sa Angeles City, sponsored by my company. Ang seminar na ito ay kung papaano namin mauunawaan ang kultura ng mga Hapon dahil nga nasa Japanese Company kami. The seminar was so informative naman, kaya lang as for me, hindi naman iyon ang madalas kong maireklamo sa kumpanyang ito. Kundi ang mga Filipino kong boss and co-workers. Well, di naman silang lahat pero mainly, kung sino pa ang magkaka-lahi, sila pa ang hindi nagkakaintindihan.
I hate to say this pero hindi ko alam kung talagang mga bobo lang sila o dahil may kanya-kanya lang silang hidden agenda kung papaano pababanguhin ang pangalan sa mga Hapon.
Bukas, Special Holiday, balak ko sanang hindi pumasok pero pinapapasok ako ni boss. No choice.
1 comment:
Henryxter, it was really awesome hanging out with you again dood. Thanks for taking some shots of vodka and partying like a rockstar! Didn't kno you had it in you! I really miss you guys.. I wish we could just hangout every weekend like that. Dream ko yun. one day pre, we'll all build something great together to make all our dreams come true.
Post a Comment