Sabi ko na nga ba eh, magiging busy ang kaarawan ko. Mas excited pa nga ang mga officemates ko sa birthday ko kaysa sa akin eh. Kung alam lang nila, wala akong budget. Hahahaha...
For the past few days, ni-rereview namin yung report namin sa Joint Quality Meeting na gaganapin sa Japan next week. Tomorrow is our final review. Medyo na-okray yung report ko nung EVP namin, pero ok lang. Hindi naman siya ganun nagalit unlike sa mga ibang Engineers. Hehehe. Understandable na siguro yun dahil yung ire-report ko eh yung Customer Claim Status ng kumpanya, eh hindi ko naman talaga hawak yung section na yun. Ewan ko nga ba kung bakit sinasama ako sa mga pupunta dun. Pero ok na rin, at least makakatuntong na ako sa Japan. Hahaha...
Hindi naman ako ganun ka-excited. As I've said, hindi pa ako nakakapag-impake para sa Sunday Flight namin. As in wala lang. Mahilig talaga ako sa rush...
Isa pa, ilang araw lang naman kami dun. Kumbaga, short business trip lang. Kasama ko dalawang Hapon-- dalawang Vice President ng kumpanya. Bukod sa kanila, may kasama pa akong 2 Pinoy. Magiging behaved siguro kami dahil nga medyo istrikto itong EVP namin.
Isa pang inaalala ko, yung mga kakainin namin dun. I really am not a fan of Japanese food. Tuwing kumakain kami sa Tokyo Tokyo (fast food) o kaya sa Karate Kid (isa ring fast food), yung mga lutong pagkain ang ino-order ko. I tried eating sushi once, pero hindi ko talaga masikmura, considering hindi naman authentic Japanese food ang mga nandun. Ang lansa! Good luck na lang sa akin.
Siguro excited lang ako ng konti dahil sa Disneyland Tokyo. Sana matuloy kami dun, pero loaded ang schedule namin pagdating namin dun. (Crossed fingers...)
Omiboshi! Omiyage! Sorry friends, wala akong pera. Hahahaha...
No comments:
Post a Comment