Friday, July 11, 2008

Japan Invasion [Part1: In fairness]

Ok.. it's time for me to tell my experiences during our short trip in Japan. Umpisahan natin last Sunday, July 6. In fairness, on time ang flight namin sa Japan Airlines Flight #746 at 9:25 AM. Pero bago yan, konting comment muna sa ating NAIA.. well pagpasok pa lang namin ng NAIA maingate, hayun ang haba na ng pila. Ihing-ihing pa man din ako sa mga oras na yon. Pero kailangan kong tiisin yun dahil malapit na kami sa security check (x-ray scanner) ng mga baggage namin. Pansin ko lang, mukhang mga kontrabida ang mga ibang nagtatrabaho sa NAIA... granting na ginagawa lang nila trabaho nila, pero basta, nakakaasar yung mga ibang empleyado dun. Then pagkatapos naming i-surrender ang mga baggage namin na hindi for hand-carried eh nagbayad na kami ng terminal fee... worth P750 each... just asking para saan kaya yon? Basta si lolo (Japanese EVP namin) ang nagbayad para sa amin. Here comes hubaran ng medyas, sapatos, belt... etc. Pambihira, medyo maluwang ang pantalon ko kaya mega-hawak ako sa pantalon ko para hindi ako ma-burlesk. Hahaha...
Thank God wala nang masyadong tanungan pang nangyari... wala naman kasi akong criminal records.
Then dahil maaga pa, pinakain muna kami ni lolo sa isang cafe. Ang mahal in fairness. As usual, si lolo naman ang nagbayad.
Then we bought some pasalubong para sa mga Hapon na empleyado ng mother company namin dun. Hayun, mga pastilyas, dried mango, and something like that ang mga pinamili namin sa kanila. Then proceed na kami sa Departure Area, isa na namang checking of passport at boarding pass ang nangyari... pero pansin ko lang, mga Pilipino lang ang chine-check... hmmmm... unfair si kuya! Mukha ba kaming mga suicide bombers???
Gate 14 kami... ang dami nang naghihintay, may bata, matanda, foreigner at mga feeling foreigner.. hehehe. In fairness, wala akong namataang grupo ng mga Japayuki. Hehehe.. Mahigpit na yata sa Japan with regards to foreign entertainer. 

Isang oras din kaming tumunganga dun at naghintay. Buti pa yung Gate 13 heading for Hongkong, umalis na... na-excite tuloy ako. Hehehe... So binasa ko na lang yung mga last minute text messages from some relatives and friends na nagpapaalam. Hehehe.. As if naman years ang stay ko sa Japan. Hahaha. (itutuloy...)


No comments: