Saturday, July 26, 2008

Japan Invasion [Part 3: Asakusa]

From Narita Airport sumakay kami ng tren papunta kung saan... Hindi kasi namin alam kung saan kami dadalhin ng boss naming Hapon. Hayun, bumaba kami sa Ueno station at una kong nasilayan ng husto ang Tokyo. Wow! Ang ayos tignan ng mga buildings, ang daan ay organize, at ang hangin walang usok considering nasa syudad kami. Sumakay kami ng Taxi na may radar. Hehehe. Lahat ng Taxi nila high-tech na, pati mga driver ang ayos ng uniporme.

Bumaba kami ng Asakusa. Ang daming tao. Nung una, hindi ko alam kung ano bang klaseng lugar iyon. Pero sa entrance palang, kinuhanan na kami ng litrato ni boss. Sa dami ng tao, hindi makakuha ng tyempo si boss. "Sumimasen! (Excuse me!)", pasigaw na sambit ni boss nung may humarang na matanda sa harapan namin habang kukunan sana nya kami. Hahaha. Hanggang sa kalye ba naman boss pa rin kung umasta si Sir. Hehehe...
Kuha ni Lolo ito. Hehehe

Then pumasok kami sa loob, marami talagang tao.


Eto ang ilan pa sa mga litrato namin sa Asakusa:

Dahil kalalapag lang, eto kami ngayon... kinakaladkad ang mga bagahe. Hehehe.. Kapagod ito!



Araw ng Linggo kaya siguro maraming tao... Sa likod namin ang Buddha Temple.

Sabi ni Lolo, magtapon daw kami ng barya then make a wish... Kakaiba ito. Ibang-iba sa mga napapanood ko sa TV. Hahaha



Sige, bago lumabas ng templo... magbigay pugay sa photographer. Hahaha



Fortune Teller daw ito... Hmmm... Good Fortune ang nabunot ko...



Oy Sir Ronnel, ulo mo ba ang parte ng katawan na kailangan daw i-cleanse? Hehehe

No comments: