Wednesday, July 16, 2008

Japan Invasion [Part 2: Narita Airport]

Our plane (Japan Airlines) touched down onto to the land of the rising sun at exactly 2:26 PM (Japan Time). Isang oras advance sa Japan kumpara sa oras dito sa Pinas. Ang ganda ng runway ng Narita, na-excite talaga ako. Hehehe.. Tingin ako ng tingin sa bintana... Japan na ba talaga ito? In fairness, yung terrain, mga halaman... parang sa Pilipinas din. Pero kasi summer season ngayon sa Japan, so I wouldn't expect na makakakita ako ng cherry blossoms...
Narita Airpot Runway


At ang Narita Airport, ang ayos grabeh... kumbaga nagmukhang hampas-lupa yung NAIA natin. Hehehe... pero totoo talaga... ang gulo ng airport natin, parang bus terminal lang. Hehehehe.


Narita Airpot (Inside)

Then nag-linya kami sa mga foreigner section.. syempre foreigner kaming maituturing doon. Hehehe. Halo-halo kami sa pila, may Chinese, Vietnamese, Americans, Thai, Jamaican.. kung magtataka kayo kung bakit ko alam ang mga nationalities nila.. well, hula ko lang naman yun. Hahahaha...

Ang haba ng pila namin, pero in fairness, ang bilis ng proseso kasi may mga organizer talaga, mababait pa sila... sa NAIA ba ganun?

Then they took us pictures individually, then electronic finger prints... hi-tech! Hehehehe...

After that, kinuha na namin yung mga bagahe namin... mabilis din in fairness.

At dito nagsimula ang lakaran namin...

Sumakay kami ng tren papuntang Asakusa.. actually, hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng boss naming Hapon. Akala namin, diretso kami sa Fukushima. Kung ikukumpara ang layo ng Fukushima sa Tokyo, siguro parang Manila to La Union or Baguio yun... parang nakakapagod naman...

Pero hindi pala kami doon mapapagod. Bumaba kami ng Ueno station.. nag-taxi papunta sa Asakusa... ang ganda ng Taxi... may radar! Parang naka-GPS (glolbal positioning system) pa yata. Hi-tech! Nalito lang ako ng konti kasi right-hand driving sila. Pati yung daan baligtad.. imagine kung yung isang lane natin eh pa-Norte, yung sa kanila pa-Timog. Nakakalito! Hehehe...
(itutuloy...)

No comments: